Crista - The Reckoning
September 12, 2009
wooot! woot! may blog ka na pala. hehehee
yup, nakaka-miss ung friday group, nawala na kasi kayo ni eden. ung sandals mo na galing kay AYO si vivian gumagamit, sira na. wala na kaming kasama sa talakayan tuwing breaktime sa tanghali. wala nang tumatawag sa nanays (na inoorderan mo ng mami na puro paminta) para umorder ng food sa gabi. wala na rin gumagawa ng index ng catalogue.
marami nang nagbago, at pagbabago dito. di na ako umoorder kay nanays, kay tatays na (bagong bukas na diner malapit kay nanays, at talagang Tatays ang name niya) ako umoorder.
meron akong bagong artist ngayon, one week pa lang siya dito. parang ikaw rin siya in some ways, mabait din siya. lagi rin kita kinikwento sa kanya. lagi rin siyang inaasar ni vivian. tinatawag niya kasi itong Bogart kasi parang t-bird siya.
nakaka-miss talaga, di ko maiiwasan na hindi ka maaalala lalo na kapag nakikita ko mga pics at video scandals natin na nakakalat sa tatlong computer dito sa itaas. di ko makakalimutan ung niregaluhan mo ako noong bday ko ng xrated na dvd na 24-in-1. hehehe
umalis na rin nga pala si willy “pawili-wili”, lumipat na ata sa call center.
kinukumusta ka rin pala ni liezl, vivian, xtian, mang tino at don robert.









