Looks Vs. Status
November 6, 2007
Sa inaraw-araw kong paglalakad sa mga malls tuwing ako'y uuwi na sa aming tahanan, aking napupuna ang mga magsing irog na namamasyal sa kalawakan ng lugar na ito. Sari-saring mukha, iba't-ibang katayuan sa buhay. Minsan hindi ko maiwasang maitanong sa sarili ko kung ano ba ang tinitingnan ng mga kababaihan.
Napansin ko minsan na may mga kababaihang nasisilaw sa katayuan ng lalaki. Yun bang tipong halos lumamang ako ng limang paligo sa hitsura nung lalaki pero parang balewala sa kayang kasintahang napakaganda dahil sa katotohanang di mo maikakaila na lubhang mayaman ang lalaki. Meron namang tunay na masasabi mong magandang lalaki subalit parang walang maipagmamalaki kundi ang kanyang pisikal na kaanyuan.
Hindi ko tuloy maiwasang malungkot at magtanong…hindi na ba pinahahalagahan ang pagkatao ng isang lalaki?…marahil ito ang kadahilanan kung bakit ang karamihan sa mga kababaihan ay nahuhumaling sa akin…..ay buhay…
Previous Comments
hhmm. depende sa gurl kung ano ang pinahahalagahan nya. hindi bat ang mga lalake ang mas physical? sabi nga nila, men fall in love with their eyes, while women fall inlove with their ears.
Posted by chelsea at November 8, 2007, 5:15 amthanx for commentin chelsea. now im more enlightened…. alam ko na kung bakit madaming chicks na nahuhumaling sa aking anyo. heheheh










Medyo seryoso ang picture mo diyan
Posted by ysrael mendez at November 8, 2007, 5:01 am